FPRRD, hinamon si dating Senator Leila de Lima na kasuhan na lamang siya sa korte; pagkakaroon ng Davao Death Squad, inamin ng dating pangulo

Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senator Leila de Lima na sampahan na lamang siya ng kaso sa korte kaugnay sa mga paratang na ibinabato sa kanya kaugnay sa implementasyon ng war on drugs.

Kaugnay na rin ito sa ginawang pag-amin ni Duterte na mayroon siyang Davao Death Squad (DDS) sabay ng paglilinaw na hindi ito mga pulis kundi mga gangster na binubuo ng pitong katao.

Ito aniya ang kanyang mga inuutusan sa pagpatay rin sa mga kapwa kriminal.


Sinabi naman ni dating Senator Leila de Lima na galing mismo sa bibig ng dating pangulo na mayroon talaga siyang mga death squad patunay na totoo ang mga pahayag noon ng mga testigo ng Commission on Human Rights (CHR) nang magsagawa noon ng imbestigasyon tungkol sa mga DDS.

Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na “bombshell” ang mga isiniwalat ni Duterte na mayroon siyang death squad na posibleng may kinalaman sa lumawak na mga patayan ng war on drugs.

Magkagayunman, hinamon ni Duterte ang mga nag-aakusa sa kanya na kung totoo man ang kanilang mga alegasyon sa pagkakaroon niya ng death squad ay mabuting sampahan na lamang siya ng kaso sa korte.

Facebook Comments