FPRRD, hindi makakadalo sa pagdinig ng House Quad Committee bukas

Hindi makakadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-syam na pagdinig ng House Quad Committee alas-9:30 ng umaga bukas, October 22 patungkol sa kampanya ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Nakasaad ito sa liham ng abogado ni Duterte na si Atty. Martin Delgra kay Committee on Dangerous Drugs Chairman Representative Robert Ace Barbers na sya ring overall chairman ng Quad Committee.

Sinabi ni Atty. Delgra sa liham, short notice ang imbitasyon sa pagdinig na natanggap lang ng kanyang kliyente nitong October 20.


Binanggit din sa liham na nakabalik lang ng Davao mula sa Maynila si Duterte nitong October 17 kaya hindi maganda ang pakiramdam nito at kailangang magpahinga bukod pa sa edad nito.

Tiniyak naman ni Atty. Delgra ang kagustuhan ni dating Pangulong Duterte na lumahok sa pagdinig ng quad committe sa ibang araw o mas mainam pagkalipas ng November 1.

Facebook Comments