FPRRD, iniimbitahan lamang ng quad committee – Cong. Barbers

Nilinaw ni 2nd District Surigao del Norte Representative Ace Barbers na rerespetuhin ng quad committee ang desisyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa imbitasyong ipinadala rito kaugnay sa extra judicial killings.

Sa ginanap na forum sa Quezon City, sinabi ni Barbers na ang imbitasyon ay alinsunod lamang sa mosyon ng mga miyembro ng komite at hindi pa naman ito sinasagot ng dating pangulo.

Paliwanag ng mambabatas, bahagi lamang ito ng inter parliamentary courtesy at may karapatan itong tumanggi sa imbitasyon.


Gayunpaman, magpapatuloy pa rin aniya ang imbestigasyon sa EJK at kung maituturo pa rin ang pangalan ng dating pangulo, ipapasa ito ng Kongreso sa nararapat na ahensiya.

Facebook Comments