FPRRD, matutuwa pa kapag ipinatawag sa imbestigasyon ng Senado

Posibleng matuwa pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling ipatawag ng Senado sa imbestigasyon tungkol sa gentleman’s agreement.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, baka matuwa pa si Duterte kung ipatatawag ng Mataas na Kapulungan bagama’t hindi pa naman niya nakakausap ang dating pangulo tungkol sa nasabing isyu.

Sinabi ni Dela Rosa, kilala naman ang personalidad ni Duterte na palaban at kung guguluhin ang kanyang pananahimik ay tiyak na magpapakita ang dating pangulo.


Hindi naman tutol ang senador sa gagawing imbestigasyon ng Senado tungkol sa sinasabing gentleman’s agreement ni dating Pangulong Duterte sa China para malaman na rin ang katotohanan dito.

Matatandaang naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para ipasilip sa Senado ang naturang kasunduan ng dating Pangulo sa China na tinawag niyang pagtataksil sa soberenya ng bansa.

Facebook Comments