FPRRD, naghabilin na kay VP Sara sakaling mamatay siya sa The Netherlands

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagbigay na ng huling habilin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling bawian siya ng buhay sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague, The Netherlands.

Ayon kay VP Sara, kabilang sa mga habilin ng dating pangulo ang pag-cremate sa kanyang mga labi bago ito iuwi ng Pilipinas.

Sinabi ni VP Sara na marahil dahil sa edad ng dating pangulo na otsenta ay naghahanda na rin ito.

Una nang kinumpirma ng pamilya Duterte na malaki ang ipinayat ng dating pangulo dahil nahihirapan ito sa pagkain at sa panahon sa The Hague.

Facebook Comments