FPRRD, padadalhan pa rin ng Kamara ng imbitasyon para sa SONA

Tulad ng nakagawian ay magpapadala pa rin ng imbitasyon ang Kamara kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa July 28.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ipadadala ang customary invitation sa bahay nito sa Davao City kung saan sya din ang nahalal na alkalde.

Si FPRRD ay nananatili sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, The Netherlands dahil sa kinakaharap na crimes against humanity.

Paliwanag ni Velasco, pangunahin sa mga nakagawian ng padalhan ng imbitasyon tuwing may SONA ay ang mga dating presidente at bise-presidente ng bansa, Senate presidents, at dating House speakers.

Facebook Comments