FPRRD, tinawag na “preposterous” ang pagsasangkot sa kanya sa “missing sabungeros”

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nakarating na sa kaalaman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagdawit sa kanya sa mga nawawalang sabungeros.

Sa ambush interview kay VP Sara sa The Hague, The Netherlands, sinabi nito na “preposterous” o kalokohan ang naging tugon ng dating pangulo sa panibago na namang krimen na isinasangkot sa kanya.

Ayon kay VP Sara, naikuwento na rin niya kay dating Pangulong Duterte ang inilabas na autopsy report ng Los Angeles County Medical Examiner sa US kung saan sinasabing epekto ng cocaine ang ikinamatay ni Filipino businessman Juan Paolo Tantoco

Sa panig naman ni VP Sara, inihayag nito na hindi na niya ikinabigla ang pagsasangkot sa dating pangulo sa missing sabungeros at ang sinasabing pagtatapon sa mga ito sa Taal Lake.

Facebook Comments