FPRRD, tinawag na salot ng isang kongresista

Tahasang sinabi ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano na isang salot si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Valeriano makaraang ihayag ni Duterte sa pagdinig ng Senado ang pag-ako sa legal na responsibilidad kaugnay sa maraming namatay sa ipinatupad niyang war in drugs.

Ayon kay Valeriano, nagbibida si Duterte at nagpipilit palabasin na siya ay isang bayani pero ang totoo, ang pag-ako nito ng buong responsibilidad ay hindi mag-aabswelto sa mga pulis at iba pang sakot sa mga krimen tulad ng pagpatay na konektado sa drug war.


Diin ni Valeriano, hindi Diyos si dating Pangulong Duterte, hindi siya batas, at hindi nakahihigit sa batas.

At dahil wala na itong immunity, iginiit ni Valeriano na masampahan na si Duterte ng kaukulang kaso kaugnay sa ipinatupad nitong hindi makataong kampanya laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments