Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Fidelis Layog bilang bagong auxiliary bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.
Si Layog ay magiging katuwang ni Archbishop Socrates Villegas sa pagpapatakbo ng arkidiyosesis.
Ipinanganak siya sa Dagupan City noong November 20, 1968 at nag-aral ng philosophy sa Mary Help of Christians College Seminary at Theology sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.
Inordinahan siya bilang pari noong April 29, 1996 at taong 2003 ay natapos nito ang kanyang degree sa Biblical Theology mula sa Pontifical University of St. Thomas sa Roma.
Nagsilbi na rin si Layog bilang kura paroko ng dalawang parokya sa Pangasinan mula 2006 hanggang 2014.
Naging direktor rin siya ng Mapandan Catholic School mula 2014 hanggang 2016 at naging direktor rin ng St. Columban Institute of Domalandan.