Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na nakausap na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabanatuan Auxiliary Bishop Sofronio Bancud.
Ito ay kaugnay ng pagkakaptay kay Father Richmond Nilo noong June 10 sa Zaranoza Nueva Ecija.
Sa isang Interview kay Go sa Nueva Ecija kanina ay sinabi nito na tinawagan na ni Pangulong Duterte si Bishop Bancud para iparating ang pakikiramay at pagtiyak na gagawin ng Pamahalaan ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkakapatay kay Father Nilo sa lalong madaling panahon.
Bukod kay Bishop Bancud ay nakausap narin aniya ni Pangulong Duterte si Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President Romulo Valles para bigyan ng update sa isinasagawang imbestigasyon sa pagkakapatay kay Father Nilo.