France, bukas sa pakikipagtulungan sa Pilipinas para sa food security at climate change

Handa ang France na makipagtulungan sa Pilipinas para sa paghahanda sa seguridad sa pagkain at pagbabago ng klima.

Si Chrysoula Zacharopoulou, Minister of State for Development, Francophonie and International Partnerships ay nakipagpulong sa ilang opisyal ng Gabinete ng Pilipinas upang tuklasin ang iba’t ibang kooperasyon.

Bukod pa ito sa pakikipagtulungan ng France sa pagtatanggol sa pagitan ng Pilipinas at Pransya, kung saan una nang bumisita sa bansa ang French Navy destroyer na Lorraine noong Hunyo.


Ang France ay kabilang din sa mga bansang malapit na sumusunod sa mga development sa West Philippine Sea.

Kilala ang France sa pagiging dalubhasa sa agrikultura.

Facebook Comments