World – Pinalawak ng isang Airline Company sa France ang no-fly zone sa bahagi ng North Korea.
Ito’y matapos dumaan ang isa sa mga eroplano ng air-France K-L-M sa lokasyon kung saan bumagsak ang isang Intercontinental Ballistic Missile (IBCM) na isinagawa ng North Korea noong Huwebes.
May lapit lang na 100 hanggang 150 kilometers ang binagsakan ng ballistic missile kung saan sampung minuto pa lamang ang nakalilipas nang dumaan ang nasabing airlines na may sakay na 330 pasahero.
Wala pang pahayag ang North Korea hinggil dito.
Facebook Comments