Patuloy na maglalayag ang bansang France sa South China Sea bilang bahagi ng freedom of navigation.
Ito ay kabila ng pagtutol ng China sa presensya ng western countries sa rehiyon.
Ayon kay French Ambassador Nicolas Galey, patuloy silang tatalima sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Mananatiling matibay ang kanilang suporta sa freedom of navigation sa pinagtatalunang karagatan.
Sa ilalim ng international law, ang mga bansa ay may kalayaang maglayag at lumipad sa tinatawag na high seas.
Facebook Comments