Malabo nang maihabol pa ngayong taon ang panukala para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.
Ayon mismo kay Speaker Alan Peter Cayetano, alam naman daw ng ABS-CBN na uunahin ng Kamara ang budget at revenue bills.
Sinabi ni Cayetano na may panahon pa naman ang Kamara mula Enero hanggang Pebrero dahil March 2020 pa naman mag-eexpire ang franchise ng TV network.
Pero, hindi naman masabi ng Speaker kung mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN sa 2020 dahil depende ito sa kalalabasan ng hearings sa komite.
Nauna namang sinabi ni House Committee on Legislative Franchise Chairman Franz Alvarez na wala ding ini-schedule na committee hearings para sa franchise ng network.
Tiniyak naman ni Cayetano na magiging patas ang Kongreso sa isyung ito.
Dagdag pa ni Cayetano, iginagalang anya ng Kamara ang posisyon ni Pangulong Duterte sa mga isyu tulad sa ABS CBN at batid din nilang nirerespeto rin naman ng Presidente ang proseso ng Kamara.