Manila, Philippines – Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, hindi maaring ipagbawal ang pagbuo ng mga fraternity at sorority.
Ito ay sa kabila ng nadadagdagang biktima ng hazing kung saan pinakahuli ay ang nasawing 22-anyos na freshman law student ng University of Sto Tomas na si Horacio Tomas Castillo III.
Paliwanag ni Aguirre, nakatadhana sa konstitusyon ang karapatan na bumuo ng ganitong mga samahan.
Giit ni Aguirre, mas makabubuting timbangin ang nasabing karapatan at ang mga paraan para maiwasan ang karahasan sa mga estudyante na sumasama sa fraternity o sorority.
Facebook Comments