The Netherlands – Nasa unang puwesto ngayon si WGM Janelle Mae Frayna ng Pilipinas pagkatapos ng limang round ng 21st Hogeschool Zeeland International Chess Tournament sa Vlissingen, the Netherlands.
Tinalo ni Frayna si International Master Leenhouts Koen sa 44 moves ng English Opening Fischer Variation sa 5th round para umakyat sa unang puwesto sa kaniyang 4.5 points.
Ito ang ikaapat na panalo ni Frayna kontra sa mga lalaking chess player sa kompetisyon.
Kasama ni Frayna sa top spot ang anim pang player sa torneo na nilahukan ng halos 200 chess players.
Makakaharap sa susunod na round ni Frayna si Super GM Lands Konstantin ng Russia.
Nakasosyo naman sa pangalang puwesto si GM Jayson Gonzales, na siyang coach at mentor ni Frayna, sa kaniyang 4 points.