FREE BLOOD TEST PARA SA MGA DAGUPEÑO, INIHATID, ALINSUNOD SA HYPERTENSION AWARENESS MONTH

Alinsunod sa Hypertension Awareness Month ngayong buwan ng Mayo ay ipinagkaloob sa mga Dagupeno ang libreng mga blood test tulad ng FREE blood pressure check, fasting blood sugar (FBS), cholesterol and uric acid tests ngayong araw.
Saklaw din nito ang pagbabahagi ng kaalaman partikular sa mga Senior Citizens ng lungsod ukol sa mga dahilan ng nangyayaring hypertension o ang altapresyon at kung anong mga hakbangin at paghahanda ang dapat gawin upang maiwasan ang ganitong uri ng mga kondisyon at sakit.
Hinikayat naman ng pamunuan ng lokal na pamahalaan at Kagawaran ng Kalusugan na ugaliing magpacheck up nang malaman at maagapan pa ang mga sakit na maaaring magdulot ng komplikadong kondisyon.

Samantala, maaari namang makakuha rin tuwing Martes at Huwebes ang mga nasabing serbisyo sa City Health Office ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments