FREE CHARGING OPERATION, INIHATID SA MGA NAWALAN NG KURYENTE SA MABINI AT ANDA, PANGASINAN

Matinding hamon ang kinakaharap ngayon ng mga residente lalo na sa bahagi ng Western Pangasinan dahil sa iniwang pinsala ni Bagyong Emong.

Hindi lamang sa banta sa kaligtasan ng mga residente ang idinulot nito, maging ang pagkasira ng maraming kabahayan, nagtumbaang mga puno at poste.

Nawalan ng kuryente ang mga bayan kung saan bilang tugon, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng PDRRMO ng Free Charging Operation sa mga bayan ng Mabini at Anda para sa mga kailangang icharge na mga gadgets tulad ng phone, maging ang powerbank.

Ikinatuwa ito ng mga residente sa kanilang pagbibigay update sa mga kaanak at pagbibigay impormasyon na rin sa sitwasyon ng bawat isa.

Samantala, nagpapatuloy ngayon ang pagsasaayos ng linya ng kuryente sa mga naapektuhang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments