CAUAYAN CITY – Naglunsad ng Free Chest X-rays ang Rural Health Unit-Cabarroguis katuwang ang Philippine Business for Social Progress o PBSP.
Ang mga benepisyaryo ay Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Cabarroguis District Jail.
Sa pahayag ni Warden Janos Taeza, isinagawa ito upang masiguro na ligtas at hindi apektado ng Tuberculosis (TB) ang mga PDL at ito’y bilang suporta sa National TB Control Program ng DOH.
Bukod sa libreng chest x-ray, nagkaroon din ng dental examination at extraction upang masiguro na ang mga PDLs ay may access sa dental care.
Facebook Comments