FREE DIVING, PATOK SA BAYAN NG BANI

Naghahanap ka ba ng kakaibang beach experience? Yung hindi lang masaya Kundi exciting, intense at sempre Instagram worthy?
Dito sa ating lalawigang Pangasinan partikular sa bayan ng Bani, isang kakaibang adventure ang naghihintay sa inyo — ang Free Diving kasama ang Aquaholics Freediving! Isa ito sa mga kinagigiliwan ngayon sa social media. Marami na ang na-hook sa masayang underwater experience na ino-offer ng Aquaholics.
Para sa mga baguhan o kahit sa mga hindi pa marunong lumangoy — no worries. Dahil bago ka pa sumisid, dadaan ka muna sa diving lessons mula sa kanilang mga certified at professional diving coaches na si Milo Quinantoto.
Ang Aquaholics Freediving ay nagsimula sa kanilang freediving courses noong 2021 at sa kasalukuyan, nakapagsanay na sila ng kabuuang 213 batch.
Hindi na rin kailangang magdala pa ng videographer o underwater camera, dahil kasama na sa package ang photo at video coverage.
Tatlong klase ng courses ang maaari mong pagpilian-Beginner Course, Intermediate Course at Advanced Course.
Kaya sa mga adrenaline junkie, nature lover, o kahit sa mga gusto lang ng tahimik at magandang view sa ilalim ng dagat, free diving na sa Bani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments