FREE HIGHER EDUCATION LAW | Senado, kinuwestyon ang CHED sa patuloy na paniningil ng ilang SUCs ng miscellaneous at tuition fee

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Senado at ng Kamara ang Commission on Higher Education (CHED) kung bakit tuloy ang paniningil ng ilang State Universities and Colleges (SUCs) ng miscellaneous at tuition sa kabila ng umiiral na batas sa libreng edukasyon.

Sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, layon nitong gawing libre ang tuition at lahat ng mga iba pang bayarin sa mga SUCs, Local Universities and Colleges, at State-Run Technical Vocational Institutions.

Ayon kay Senator Bam Aquino, dapat i-refund ng CHED at mga SUCs ang mga siningil sa mga estudyante.


Sa isang panayam, sinabi naman ni CHED Officer In Charge Popoy De Vera, mawawala lang ang miscellaneous fees kapag naipatupad na ang batas sa darating na Hunyo.

Dahil dito, plano ng ilang mga estudyante na mag-walk out ngayong Pebrero 23 para igiit ang libreng edukasyon sa bansa.

Facebook Comments