Manila, Philippines – Bubuksan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang bidding process sa mga internet provider para sa free public internet access sa bansa.
Sa interview ng RMN, sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio, isa mga sisilipin nila sa bidding ay ang kumpanyang makapagbibigay ng mabilis na serbisyo sa publiko.
Ayon kay Rio, target nilang maglagay ng internet na may bilis na 10mb sa mga public places habang nasa 50mb naman sa mga paaralan o unibersidad.
Bukod dito, sisilipin na rin ng DICT ang presyo na sinisingil sa mga bahay-bahay na nagpapakabit ng internet.
Samantala, inilabas na rin ng DICT ang guidelines para sa pagpasok ng bagong major player sa local telecom industry.
Sinabi ni rio na ang aplikasyon ng prangkisa ay manggagaling sa kongreso at hindi dapat konektado sa dalawang telecom company na PLDT. Inc at Globe Telecom.
Pebrero disi-nuwebe, inaasahang ilalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ang memorandum circular na naglalaman ng terms para sa pagpili ng ikatlong telcos company.