Nitong Enero 5, 2018 nang ilunsad sa bayan ng Radjah Buayan sa lalawigan ng Maguindanao ang ‘Free Land Titling and Survey’ project ng DENR-ARMM sa pamamagitan maikling seremonya.
Positibo naman si Mayor Datu Zamzamin Ampatuan sa ano mang pagbabago na maidudulot ng proyekto.
Nakakahadlang sa kaunlaran ang land dispute, umaasa s’ya na ang nabanggit na programa ay magdudulot ng mas malawak na opurtunidad para sa mamamayan ng Rajah Buayan.
Ang Free Land Titling and Survey’ ng DENR-ARMM ay proyekto sa ilalim ng Humanitarian Development and Assistance Program ng ARMM.
Ayon kay Regional Secretary Hadji Kahal Q. Kedtag, paraan ito ng pagresolba sa problema sa land conflicts at upang maiwasan ang ano mang problema may kaugnayan sa lupa sa susunod na mga panahon.
Ang ‘Free Land Titling and Survey’ project ay nagkakahalaga ng P42M.(photo credit:denrarmm)
Free Land Titling and Survey ngayong taon, magsisimula sa Rajah Buayan, Maguindanao!
Facebook Comments