Free legal assistance at iba pang tulong para sa mga Moro detainees, ipagkakaloob

Kasunod ito ng isinagawang jail visitation and profiling ng NCMF- North Luzon Regional office  sa Pampanga Provincial Jail, muling ipapatupad ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang programa na  magbibigay  ng libreng legal, medical at counseling assistance sa mga Muslim detainees.

Ayon kay NCMF Secretary Saidamen  Pangarungan, ginawa ang aktibidad upang ma-assess ang kasalukuyang sitwasyon ng mga Muslim detainees .

Matapos ma-evaluate ng binuong team ng NCMF nakita nito ang mga kakulangang sa pangangailangan ng mga preso.


Binigyang halimbawa ang mabagal na justice system, mga kaso ng frame up, kakulangan ng livelihood seminars at trainings  para sa mga detainees, kakulangan ng supply ng basic needs , kawalan ng prayer mat/carpet, pamphlets tungkol sa Islam, mga gamot at cooking tools na hiwalay sa mga Kristiyano.

Naniniwala naman ang mga bilanggong Muslim sa kakayahan ng komisyon sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan lalo na sa mga taong biktima lang ng maling kaso.

Facebook Comments