Free legal assistance sa mga uniformed personnel, aprubado na sa joint committee hearing sa Kamara

Inaprubahan na sa joint committee hearings ng Justice, National Defense and Security at Public Order and Safety ang substitute bill na magbibigay ng libreng legal assistance sa mga uniformed personnel.

Mababatid na ang free legal assistance sa mga uniformed personnel ang isa sa mga panukala na ipinakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na pagtibayin na agad ng Kongreso.

Isa sa amyenda ng panukalang batas ay ang pagkakasama ng mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa mabibigyan ng libreng tulong ligal sa mga kasong kakaharapin na may kaugnayan sa trabaho.


Sa orihinal kasing panukala, tanging mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) lamang ang sakop ng free legal assistance.

Pinag-aaralan namang isama na rin sa free legal aid ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Facebook Comments