‘FREE LEILA NOW’ | Senator De Lima, pinanawagang palayain na

Manila, Philippines – Nagtungo sa harapan ng Kampo Crame ang mga supporters ni Senator Leila De Lima upang markahan ang ika-isang taon niyang pananatili sa detention cell.

Nakasuot ng kulay puting t-shirt, bitbit ang mga placards at tarpaulin na may mga katagang, “Free Leila Now”, ipinananawagan ngayon ng mga suporters, pamilya at kaibigan ng senadora ang kaniyang paglaya sa lalong madaling panahon.
Nagkaroon rin misa sa detention cell ni De Lima, at motorcade sa Kampo Crame.
Nagdala rin ang mga ito ng 365 na rosas na anila ay sumisimbulo sa isang taong pananatili ng senadora sa detention cell ng Kampo Crame.

Facebook Comments