Iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang libre at malawakang COVID-19 testing at contact tracing sa harap na rin ng banta ng Omicron variant.
Sinasabi kasing hindi ganoon ka-epektibo ang mga kasalukuyang COVID-19 vaccines laban sa bagong variant.
Kaya naman para kay Zarate, ang mabisang panlaban at pangpigil sa pagkalat ng Omicron ay free mass testing at seryosong contact tracing.
Ang free mass testing at contact tracing ay dapat na buhusan ng pondo ng gobyerno.
Kailangan aniyang maagang ma-detect ang bagong strain ng virus bago pa man ito kumalat at magkaroon ng local transmission.
Nananawagan si Zarate sa pamahalaan na itaas ang pondo at kapasidad ng Philippine Genome Center para sa agarang pagtukoy ng Omicron variant.
Facebook Comments