Isinagawa sa lungsod ng San Carlos ang isang libreng serbisyo publiko para sa mga residente ng lungsod na wala pang mga dokumentong birth certificate.
Binisita ng lokal na pamahalaan ng lungsod at ng Philippine Statistics Authority Pangasinan o ang PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) ang barangay ng Buenglat kung saan tumambad umano ang nasa 70-kataong naghihintay para sa libreng mobile birth registration at nasa 40-katao naman ang nakakakuha ng libreng registration dahil na-delay ang kanilang rehistrasyon.
Ang iba naman ay naaibusahan at nabigyan ng correction dahil sa clerical error sa kanilang civil registry documents.
Nagpapasalamat naman ang mga residenteng naserbisyohan dahil magiging bawas bayarin na ito sa kanila at hindi na magkakaroon ng mahaba-habang proseso upang magpagawa ng naturang birth registration. |ifmnews
Facebook Comments