Free Mobile Disaster Alerts, hindi dapat gamitin sa maling paraan

Pinamamadali ni Senator Grace Poe sa National Telecommunications Commission o NTC ang mabusising imbestigasyon kung paano nagamit sa pagpapadala ng campaign materials ang emergency text blasts ng gobyerno.

Kasabay nito ay pinagpapaliwanag din ni Poe ang telecommunication companies kung paano naipahatid ang mensahe ukol sa isang kandidato sa pamamagitan ng emergency alerts.

Ayon kay Poe, isinabatas ang Free Mobile Disaster Alerts Act upang protektahan ang publiko sa pamamagitan ng maagang babala hinggil sa likas at dulot ng taong mga sakuna.


Giit ni Poe, ang emergency text alert ay maaaring makapagligtas ng buhay kaya hindi ito dapat magamit sa maling paraang makapaglalagay sa panganib sa ating mga kababayan.

Diin ni Poe, dapat pangalagaan ang mamamayan laban sa mga spammer at scammer na maaaring makapagdulot ng pinsala gamit ang wireless messaging service.

Facebook Comments