Sa layuning madagdagan ang proteksyon ng Pasayeño sa gitna ng COVID-19 pandemic ay ikinasa ng Pasay City Government ang Free Pneumonia Vaccine and Free Flu Vaccine Program.
Ang hakbang na ito ay para sa kalusugan ng mga Pasayeño na bahagi ng HELP governance agenda ni Mayor Emi Calixto Rubiano.
Ang HELP ay nangangahulugan:
(H) Health Care and Housing
(E) Education, Economic Growth and Environment
(L) Livelihood and Lifestyle
(P) Peace and Order, Palengke and Pamilya.
Kabilang sa mga nabigyan na ng libreng pneumonia at flu vaccine ang 100 residente ng Barangay 121 at 100 residente rin ng Barangay 107.
Samantala, base sa huling tala ay umaabot na ngayon sa 951 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay kung saan 142 ang pinakabagong nahawaan ng virus.
Facebook Comments