Free public WiFi, target na maitayo pagdating ng 2022 – DICT

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtayo ng libreng public WiFi sa 104,000 lugar sa bansa pagdating ng 2022.

Ayon kay DICT Usec. Eliseo Rio – ang libreng internet access ay ilalagay sa 3,000 lugar na walang telco service ngayong taon.

Sinabi ni Rio na ang pagkakaroon ng access sa WiFi ay hindi na pribilehiyo – ito ay bahagi na ng basic right ng bawat mamamayan.


Aniya, naka-‘full blast’ na sila sa pagsasagawa ng programa matapos isagawa ang pilot launching nito sa lungsod ng San Juan.

Paliwanag ni Rio – pwede gamitin ang free WiFi sa research, downloading at panonood sa YouTube.

Ang free public WiFi ng DICT ay may bilis na 4 megabits per second o MBPS, mabagal kumpara sa katabing bansa gaya ng Singapore na nag-aalok ng hanggang 60 MBPS.

Facebook Comments