Isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang pagkakaroon ng free-rabies community sa pamamagitan ng mga programa na pipigil sa sakit na ito sa mga alagang hayop.
Iginiit ni Villar na “endemic” o laganap sa bansa ang rabies na pumatay na ng 300 katao noong nakaraang taon.
Tinukoy ng senadora na pinakamataas ang insidente ng rabies sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Aniya, ang rabies ang pinakanakamamatay na infectious disease na maaaring mailipat sa pamamagitan ng kagat o laway ng mga galang aso at pusa na carrier nito.
Itinuturing din aniya na public health problem ang rabies sa kabila ng availability ng mga bakuna laban dito sa mga lugar na may matataas na kaso.
Maliban dito, isinusulong din ng mambabatas ang responsible pet ownership para sa wastong pag-aalaga ng mga hayop at upang hindi maging sagabal sa iba ang mga alagang aso at pusa.