Free rides ng Philippine Army para sa mga essential individuals, nagpapatuloy

Tuloy ang Philippine Army sa kanilang ginagawang libreng sakay para sa mga health workers at iba pang mga indibidwal na ang propesyon ay mahalaga para sa ipinatutupad Ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang free rides ay ginagawa nila mula alas-6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi mula sa 12 designated routes patungo sa 28 ospital sa Metro Manila.

Ang mga ruta ng mga sasakyan ng Philippine Army ay ang:


Route 1: CAVITEX hanggang Manila Area (vice versa)

Route 2: Mall of Asia hanggang Parañaque (vice versa)

Route 3: Guadalupe MRT Station EDSA hanggang SM North Quezon City (vice versa)

Route 4: Ortigas Center hanggang Sampaloc, Manila (vice versa)

Route 5: Ortigas Mandaluyong to Taytay Rizal (vice versa)

Route 6: Araneta Center Cubao – EDSA – hanggang SM Masinag (vice versa)

Route 7: SM North EDSA to Fairview Terraces, Quezon City (vice versa)

​Route 8: CAVITEX Toll Plaza to Lawton Plaza (vice versa)

​Route 9: SLEX Toll Plaza to Lawton Plaza (vice versa)

Route 10: BGC, Taguig City to NAIA Terminal 1 and 2 (vice versa)

Route 11: BGC, Taguig City to NAIA Terminal 3 (vice versa)

​Route 12: Robinson Galleria, Ortigas to Caloocan Monument (vice versa)

Hanggang kahapon mayroon ng 2,554 commuters na naka-avail ng free rides ng Philippine Army.

Facebook Comments