FREE ROAD SAFETY WARENESS SEMINAR, GAGANAPIN SA LUNGSOD NG CAUAYAN

‎CAUAYAN CITY – Magkakaroon ng libreng road safety awareness seminar ang Road Safety Advocates of the Philippines (RSAP) na gaganapin sa darating na ika-20 ng Hulyo,ganap na alas-otso ng umaga, sa Gymnasium ng Barangay Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

‎Katuwang ng RSAP ang Isabela Police Provincial Office at ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan.

‎Ang seminar ay bukas sa lahat ng nais makilahok at lalahok sa pagtutok sa mga pangunahing isyu ng kaligtasan sa kalsada.

‎Layunin ng aktibidad na magbigay kaalaman at magsagawa ng mga hakbang upang mapabuti ang kaligtasan sa kalsada, na mahalaga upang mabawasan ang mga aksidente at panganib na dulot ng hindi tamang pagmamaneho at kakulangan sa kamalayan.

Facebook Comments