Free shuttle service patungo sa PITX, pinapadagdagan ni Sen. Ejercito

Manila, Philippines – Pinuri ni Senador JV Ejercito ang desisyon ng operator ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na maglagay ng libreng shuttle service patungo sa nasabing terminal.

Ginawa ng senador ang reaksiyon kasunod ng ihayag ng PITX na magbibigay sila ng libreng shuttle service, na may loading area malapit sa Mall of Asia (MOA) Arena, mula alas 7 a.m hanggang ā€Ŗ11 a.m at mula ā€Ŗ4 p.m hanggang ā€Ŗ9:30 p.m, Lunes hanggang Biyernes.

Subalit giit ni Ejercito, hindi lang dapat sa MOA maglagay ng shuttle service kundi sa ibaā€™t-ibang business districts sa Metro Manila, partikular sa Makati, Ortigas, Bonifacio Global City at iba pa.


Katwiran ni Ejercito, madami ring pasahero sa ibang lugar na gumagamit ng PITX kaya ang loading area ay hindi lang dapat sa MOA.

Facebook Comments