FREE TAEKWONDO AT SWIMMING LESSON, ISINAGAWA SA DAGUPAN CITY

Dahil mahihilig sa physical activities, sporty at athletic ang mga idols natin, handog ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Dagupan ang libreng taekwondo training at swimming lesson para sa mga Dagupeño ngayong school break. Ikinatuwa rin ito ng mga residente ng Dagupan. Kahit man nakatambay ka lang o hindi ka magbabakasyon sa ibang lugar, kung nais mong magkaroon ng bagong hobby at passion, maaari kang sumama sa nasabing aktibidad.
Ang mga requirements lamang na isusumite ay dapat complete filled up application from with medical, Barangay Certificate para sa mga residente ng Dagupan at school ID ng enrollee. Maari kayong makakuha ng application form sa DCSC Office, Tourism Center sa Poblacion Oeste Dagupan City.
Alam naman nating maraming Dagupeño at Pangasinense ang nakiki compete sa National at International games katulad na lamang ng nagdaang SEA GAMES 2023 sa Cambodia. Upang mahikayat pa ang mga kabataang Dagupeño, mahalaga rin na mas matutunan nila ang sports dahil hindi lang ito nakatutulong sa kanilang pisikal, ngunit mas makakawala sila sa stress at mas magiging positibo ang kanilang mindset. Matututunan din nilang lumaban pa lalo sa hamon ng buhay. |ifmnews

Facebook Comments