FREE TESDA TRAINING PARA SA MGA DEPENDENTS NG OFWs SA AGUILAR, PANGASINAN, ILULUNSAD

Ilulunsad sa bayan ng Aguilar ang libreng TESDA training para sa mga residenteng umaasa sa kanilang Overseas Filipino Workers na pamilya sa bayan.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Aguilar sa mga ahensyang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Technical Education and Skills Development Authority o (TESDA) ay nakatakdang ilunsad sa nasabing bayan ang Free TESDA training para sa mga dependents o mga malalapit na kamag-anak o mga umaasa lamang sa pamilyang OFW.
Libreng makukuha ang kursong Electrical Installation & Maintenance NC II.

Sa training na ito kailangan lamang kumpletuhin ang mga requirements gaya na lamang ng patunay na OWWA contribution/membership ng OFW; kung ang trainee ay anak ng OFW dapat 18-24 ang edad at kailangang magsumite ng Birth Certificate; kung ang trainee ay asawa, kailangan lamang magsumite ng Marriage Contract; kung ang trainee ay magulang ng isang OFW, magsumite ng Birth Certificate ng OFW at kung ang trainee ay bukal sa kanyang loob na kumpletuhin ang sampung araw na pagsasanay.
Ngayong araw, ika-24 ng Nobyembre ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon para sa pagsasanay at kailangan lamang magtungo sa PESO/Migrant Desk, 2nd Floor, Municipal Bldg., Aguilar, Pangasinan.
Ang mga kwalipikadong OFW dependent/trainee ay bibigyan ng daily allowance, internet allowance at PPE allowance.
Para sa ibang detalye tumawag lang sa 0905-233-0743, First come, first served ang basis sa pagsasanay na ito. |ifmnews
Facebook Comments