Free Trade Agreement, welcome kay Pangulong Duterte

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng free trade agreement na lalahukan ng 15 bansa para mapabilis ang pagbangon ng mga bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talumpati sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, pinuri ni Pangulong Duterte ang matagumpay na negosasyon para sa Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement (RCEP).

Ang panukalang free trade area ay sakop ang ASEAN 10-member states at limang trading partners ang China, Japan, South Korea, Australia at New Zealand.


Sa pamamagitan ng free trade deal, mas luluwag ang daloy ng kalakalan lalo na para sa goods at services, investments, economic at technical cooperation at intellectual property rights protection.

Inaasahan ding mapapalawak ang ASEAN market mula sa 600 million patungong 3.5 billion.

Suportado rin ni Pangulong Duterte ang sub-regional arrangements tulad ng Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

Isinusulong din ni Pangulong Duterte ang isang ‘targeted’ at ‘inclusive’ recovery program.

Nagpapasalamat din ang Pangulo sa suporta para sa inaugural chairmanship ng Pilipinas para sa ASEAN technical and vocational education and training council.

Facebook Comments