Manila, Philippines – Kinukuwestyon ni Alliance of Concerned Teachers partylist Representative Antonio Tiño ang pagsingit ng Commission on Higher Education ng ilang probisyon sa Implementing Rules and Regulations ng Free Tuition Fee Law.
Sa isang news forum sa QC, sinabi ni Tiño na nagsingit ang Commission on Higher Education ng ilang bahagi ng IRR na wala sa orihinal na intensyon ng batas.
Tinukoy ni Tiño ang sapilitang pagpapatrabaho o pagtatakda ng balik serbisyo para sa mga estudyante na makikinabang sa libreng matrikula at miscellaneous fee.
Wala rin aniya ang paglilimita lamang labintatlong fees na ibinabawal.
Aniya, dapat ay lahat ng klase ng fees ang ipagbawal at hindi mga pili lamang.
Nais ni Tiño na silipin ito ng CHED dahil kinakailangan na masegurado na walang Kondisyon ang libreng edukasyon sa bansa.