FREE TUITION FEE | Libreng tuition fee, mapapakinabangan na sa darating na pasukan

Manila, Philippines – Mahigit isang milyong estudyante ang makikinabang sa libreng tuition fee sa darating na pasukan.

Ito ang siniguro ni Commission on Higher Education of the Philippines (ched) Commissioner Prospero De Vera kung mapaplantsa ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng republic act no. 10931 or the “universal access to quality tertiary education act’ bago magpasukan.

Ayon sa batas, kahit sino, mahirap o mayaman basta makapasa sa entrance examination ng state college o university, makikinabang dito habang makatatanggap naman ng 40,000 hanggang 50,000 pesos na tulong ang mga mahihirap na estudyante.
Dahil dito, tiyak na magiging mahigpit ang entrance exam sa mga nasabing unibersidad.
Samantala, bukod sa libreng tuition, tinaasan din ang budget para mapaganda ang mga pasilidad ng mga state university at college.
Magkakaroon din ng anim na libong (6,000) regular faculties sa darating na pasukan.


Facebook Comments