Free tuition fee policy, maari pa ring manipulahin?

Manila, Philippines – Isinusulong ng Youth Act Now Against Tyranny ang pagtanggal sa ibang singilin sa mga kolehiyo at pamantasan.

Ayon kay Francis Mabutin, spokesperson ng grupo, hindi pa ganap na nakamit ng mga estudyante ang tagumpay kahit ipinatupad na ang Free Tuition Fee policy.

Binigyan diin ni Mabutin na kayang paikutan ng mga pinuno ng mga kolehiyo ang polisiya sa pamamagitan ng paniningil ng tinatawag na other school fees.


Aniya, dapat ay tanggalin ito ng Commission on Higher Education kung nais nitong makatulong sa mga magulang ng mga lubhang mahihirap na estudyante.

Iginiit ni Mabutin na dapat ay ibawal na ito ng CHED nang sa gayong matitiyakna abot kamay na ng mahihirap ang edukasyon.

ito aniya ay dapat iklaro ito sa ilalabas nilang opisyal na IRR o Implementing Rules and Regulations ng Free Tution Policy.

Nauna nang inihayag ng CHED na ang polisiya ay ibabatay nila sa kita o kakayahang pang ekonomiya ng mga magulang ng mga estudyante na mag-eenroll sa kolehiyo.

Facebook Comments