Free Viewing ng Pacquiao-Mathysse Fight sa Gensan at Sarangani Province all set na

30

General Santos City—All Set na ang free viewing ng Pacquiao-Mathysse Fight Bukas dito sa Gensan at Sarangani province.

Dito sa Gensan naglagay ng malaking TV Screen sa Gensan Gymnasium para makapanuod ang libo-libong Fans ni Pacman na nagmula sa ibat-ibang barangay nitong Lunsod.

Dito narin manood si Gensan City OIC Mayor Ojoc Acharon kasama ng iba pang City Councilors na hindi nakasama sa entourage ng Pacquiao Team na lumipad patungong Kuala Lumpur-Malaysia noong Lunes.

Napag-alaman na kahapon, Lumipad din patungong Kuala Lumpur Malaysia si Gensan City Mayor Ronnel Rivera para personal na makapanood ng Laban ni Pacman at Mathysse.

Samantala sa Sarangani Province may Free viewing din na nilagay sa Sarangani Capitol Gym para sa mga Fans ni Pacman.

Kampante naman ang mga taga Gensan at Sarangani Province na kayang-kaya ni Pacquiao na i-knockout si Lucas Mathysse.

Facebook Comments