Free WiFi access sa Pangasinan isinusulong

Isinusulong ngayon sa probinsiya ng Pangasinan ang paglalagay ng free WiFi access na pangungunahan ng Department of Information and Communication Technology o DICT.

Ayon sa Provincial Resolution No. 344-2019 na nag aatas sa Provincial Government sa pangunguna ni Governor Amado Espino ang paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng DICT at ng Provincial Gov’t.

Ito ay ang pag implementa at pagkakabit ng ng Free WiFi access sa mga pampublikong lugar sa buong lalawigan.


Sa katunayan umano ay nauna ang probinsiya ng Cavite na pumirma sa kasunduan kung kaya’t gusto umano ng DICT na magbigay libreng internet access sa mga Pangasinense.

Nilinaw ng DICT na walang ilalabas na pondo ang lalawigan sapagkat ito ay national project.

Layunin nito na makasabay sa panahon ng teknolohiya at sa economic acceleration maging sa educational opportunities.

Sa ngayon ay pinag aaralan ng Provincial Gov’t ang naturang resolusyon at inaantay na lamang ang pirma ng gobernador.

Facebook Comments