Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang pulitiko ang freedom of expression upang siraan ang iba pang tao.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na nararapat lamang na respetuhin ng Pangulo ang sensitivities hindi lamang ng mga kababaihan, kundi maging ang lahat ng mga Pilipino dahil isa siyang public official.
Dagdag pa ni Robredo – may kaakibat na obligasyon ang malayang pamamahayag.
Hindi rin sinang-ayunan ni Robredo ang pag-aakusa ng Pangulo sa mga kababaihan na inaalisan siya ng karapatang magpahayag.
Binanatan din ni Robredo ang mga kritiko niya lalo na ang mga trolls dahil sa pag-uugnay sa kanyang pahayag noong nakaraaang taon tungkol sa rape at sa kaso ng 16-anyos na si Christine Silawan na brutal na pinatay sa Lapu-Lapu, Cebu.
Ayon kay Robredo – naging “taken out of context” ang kanyang pahayag na “rape exists because of rapist” na naging meme na ng kanyang mga online bashers.