Freedom of expression ng mga opisyal ng gobyerno, iginiit ng Malacañang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na may karapatan din ang mga opisyal ng pamahalaan sa freedom of expression o kalayaan sa pamamahayag.

Ayon kay Communications Office Undersecretary at Task Force on Media Security Exec. Dir. Joel Egco, base sa konstitusyon ,may karapatan din sila sa malayang pamamahayag.

Aniya,wala namang nakasaad sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na hindi sila sakop ng freedom of expression.


Dagdag ni Egco na kung mayroon mang nasaktan sa pahayag ng isang government official, maaari naman aniya itong magsampa ng kaso sa korte tulad ng ginawa ni Senador Antonio Trillanes kay PCO Assistant Secretary Mocha Uson.

Facebook Comments