“FREEDOM OF EXPRESSION” | Pangulong Duterte, walang planong pagsabihan si PCO Asec. Mocha Uson

Manila, Philippines – Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na pagsabihan si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa hindi nito paghingi ng sorry sa aktres na si Kris Aquino.

Ayon kay Duterte, nirerespeto niya ang pahayag ni Uson dahil lahat ay may karapatang ihayag ang kanilang opinyon o damdamin dahil sa freedom of expression.

Kinumpirma rin ng Pangulo na siya na mismo ang humingi ng patawad kay Kris.


Nabatid na sinupalpal ni Kris si Uson dahil sa paggamit ng video ni dating Senador Ninoy Aquino para depensahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa halik nito sa isang Pinay sa South Korea.

Facebook Comments