Freedom of Expression, patuloy na umiiral sa Pilipinas, Malacañan

Patuloy na umiiral ang freedom of speech sa Pilipinas.

Pinatibayan ng Malacañan ang lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na 59% ang sumasang-ayon na malayang magsalita ng hayagan at walang kinatatakutan  sa sinuman, habang 18% ang hindi.

Nasa 67% din ang naniniwalang malaya ang Mass Media sa bansa.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang resulta ng survey ay muling nagpabulaanan sa walang humpay sa pagbatikos ng oposisyon at mga kritiko ng Pangulo.

Nilinaw din ni Panelo na nirerespeto ng pangulo ang lahat ng kritisismo maliban na lamang kung ito ay walang basehan o salat sa katotohanan.

Nanawagan din ang Palasyo sa mga Pilipino na huwag mag-atubiling ihayag ang kanilang opinyon tungkol sa mga polisiya ng pangulo.

Facebook Comments