Freedom of Information Bill, muling isasabatas sa 18th Congress

Manila, Philippines – Susubukan muling isabatas ni Senator Grace Poe ang Freedom of Information Bill o FOI Bill sa ilalim ng 18th Congress.

Ang inihain na FOI Bill ay may layong obligahin ang transparency sa lahat ng kontrata, kasunduan, gastusin at transaksyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Layunin din nitong isapubliko ang lahat ng utang, compromised agreement at mga kasunduan sa ibang bansa.


Nakapaloob din sa nasabing batas ang pagsasapubliko ng Statement of Asses Liability and Networks (SALN) ng pangulo, pangalawang pangulo, mga mambabatas, mahistrado ng Korte Suprema maging ang iba pang matataas na lider sa gobyerno.

Ayon kay Senadora Poe, kailangan nang maisabatas ang nasabing panukala dahil mahalaga ang transparency para masuri ng taong bayan ang mga ginagawa ng mga nasa gobyerno at para mapuksa ang mga katiwalian.

Facebook Comments