Freedom of Information Bill, pina-popondohan na sa House Committee on Appropriations

Manila, Philippines – Kinalampag ni House Committee on Public Information Chairman Bernadette Herrera-Dy ang House Committee on Appropriations na pondohan na ang Freedom of Information Bill.

Nakikiusap si Herrera-Dy na agad na aksyunan ang FOI Bill pagkatapos na maipasa ang plenaryo sa Septyembre 21.

Aminado ang kongresista na hindi pa agad agad mabibigyan ngayon ng pansin ng Appropriations Committee ang FOI Bill dahil abala ito sa 2018 budget.


Ang FOI Bill ay naipasa sa Appropriations Committee noon pang Pebrero para paaprubahan ang alokasyon ng funding requirement nito.

Sa kabilang banda, nakahanda na ang Public Information Commitee sa inaasahang debate sa plenaryo para sa FOI Bill.

Umaasa na lamang si Herrera-dy na maisisingit din sa priority agenda ng plenaryo ang FOI Bill sakaling makalusot na ito sa appropriations committee.

Facebook Comments