Manila, Philippines – Nagpatrolya ang Armed Forces of the Philippines sa Scarborough Shoal na bahagi ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ginawa ito ng AFP sa gitna ng panibagong girian ng China at Estados Unidos dahil sa presensya ng isang barko ng Washington sa pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, Public Information Officer ng Northern Luzon Command, bahagi ng kanilang pagpapatrolya sa Scarborough Shoal na tiyaking ligtas ang mga mangingisdang Pinoy.
Aniya, magsasagawa sila ng air patrols tatlo hanggang apat na beses kada buwan.
Pero paliwanag ni Foreign Affair Sec. Alam Peter Cayetano, bahagi ng freedom of navigation ang ginawang pagdaan ng barko ng Amerika sa Panatag Shoal.
Pero naiinitndihan niya ang panggigiit ng China ng kanilang terotorial right na nilabag ng Amerika.
Bukod sa Panatag Shoal, nagtayo na rin ang China ng malalalking istraktura sa mischief reef na nasa loob rin ng eez ng Pilipinas.